Pumunta sa nilalaman

MAYO 2, 2014
CHILE

Malaking Sunog sa Valparaíso, Chile

Malaking Sunog sa Valparaíso, Chile

PUENTE ALTO, Chile—Noong Abril 13, 2014, isang sunog na pinalalâ ng malakas na hangin mula sa Pasipiko ang tumupok sa makasaysayang daungang-lunsod ng Valparaíso, Chile. Di-kukulangin sa 15 katao ang namatay at 500 ang nasugatan. Mga 2,900 bahay ang natupok, at mahigit 10,000 katao ang inilikas.

Ayon sa report ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Chile, kabilang sa mga namatay ang isang matandang lalaking Saksi. Bukod diyan, mga 89 na Saksi ang nawalan ng tirahan. Marami sa mga inilikas ang kinupkop ng kanilang mga kapananampalataya. Ang tanggapang pansangay ay agad bumuo ng disaster relief committee na tutulong sa mga biktima. Sinimulan na ng mga boluntaryo ang paglilinis. Kapag okey na ang kalagayan, sisimulan na nilang itayong muli ang mga 28 bahay ng mga Saksi na sinira ng apoy.

Sinabi ni Jason D. Reed, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Chile: “Nalungkot kami nang mabalitaan namin ang hirap na dinanas ng mga nasunugan. Nagdadalamhati kami sa pagkamatay ng aming kapananampalataya, at kasama sa aming mga panalangin ang mga nawalan ng kaibigan o kapamilya. Patuloy kaming maglalaan ng tulong sa mga biktima para makayanan nila ang trauma na dulot ng sakuna.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Chile: Jason D. Reed, tel. +56 2 2428 2600