Pumunta sa nilalaman

Ang bagong inialay na Wayuunaiki remote translation office sa Riohacha, Colombia

MAYO 30, 2023
COLOMBIA

Inilipat sa Bagong Lugar ang Wayuunaiki Remote Translation Office sa Colombia

Inilipat sa Bagong Lugar ang Wayuunaiki Remote Translation Office sa Colombia

Noong Marso 18, 2023, inialay ang bagong remote translation office (RTO) para sa wikang Wayuunaiki sa Riohacha, Colombia. Mga 700,000 ang nagsasalita ng wikang Wayuunaiki, na ginagamit ng maraming katutubo sa Colombia at Venezuela.

Noon, ang RTO ay nasa dalawang maliliit na inuupahang bahay lang. Madalas pa itong mawalan ng kuryente, at hindi rin maganda ang phone at Internet service. Kaya bumili ang tanggapang pansangay sa Columbia ng isang complex na may anim na apartment sa isang residential na lugar at ni-renovate ang mga ito. May mga opisina at sariling kuwarto na ang translation team sa mga gusaling ito. Inaprobahan ang proyektong ito noong Oktubre 2022 at natapos noong Enero 2023.

Sinabi ni Brother Juan Felipe Rodríguez, isang miyembro ng Local Design/Construction Department, kung bakit mas maganda ang bagong lokasyon: “Ang bagong mga pasilidad na ito ay may mas magandang recording booth, lugar kung saan puwedeng magtrabahong magkasama, mas magandang Internet connection, at isang generator para sa madalas na mga blackout.”

Tatlo sa mga translator ng wikang Wayuunaiki sa bagong translation office

Nagsimula ang pagsasalin ng mga publikasyong base sa Bibliya sa wikang Wayuunaiki noong 1998. Sa ngayon, 14 na mga kapatid ang tumutulong sa gawaing pagsasalin. Mga 400 mamamahayag ang dumadalo sa 20 kongregasyong nagsasalita ng Wayuunaiki.

Napakasayang makita ang organisasyon ni Jehova na patuloy na tumutulong sa mga tao ng lahat ng wika na ‘lumapit sa Diyos.’—Santiago 4:8.