Pumunta sa nilalaman

ENERO 24, 2024
CÔTE D’IVOIRE

Ini-release ang Aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Yacouba

Ini-release ang Aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Yacouba

Noong Enero 7, 2024, ini-release ni Brother Jules Bazié, miyembro ng Komite ng Sangay sa Côte d’Ivoire, ang aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Yacouba sa isang espesyal na programang ginanap sa Man, Côte d’Ivoire. Sa kabuoan, 302 ang nakapanood ng programa sa mismong venue at 257 naman sa videoconference. Naging available agad ang release sa digital at audio format. Magiging available ang inimprentang edisyon sa hinaharap.

Mga kapatid na nakikinig nang mabuti sa programa

Mga 1.5 milyon katao na nagsasalita ng Yacouba ang nakatira sa Côte d’Ivoire, Guinea, at Liberia. At mga 254 na kapatid sa Côte d’Ivoire ang naglilingkod sa apat na kongregasyon at anim na group na nagsasalita ng Yacouba.

Walang kumpletong Bibliya sa wikang Yacouba. May dalawang salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Yacouba, pero wala dito ang personal na pangalan ng Diyos na Jehova at pareho itong mahirap maintindihan. Kaya malaking tulong sa mga tao ang modernong wikang ginamit sa Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo, at gustong-gusto itong basahin ng mga tao. Sinabi ng isang brother: “Sa ibang salin, kadalasan nang binabasa namin nang napakabagal ang mga talata at kung minsan nang ilang beses pa nga para maintindihan lang namin ang binabasa namin. Pero ngayon, nag-e-enjoy na kaming basahin ang Mateo at madali namin itong naiintindihan.”

Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa napakagandang regalong ito para sa mga kapatid nating nagsasalita ng Yacouba, na tutulong sa kanila at sa marami pang iba na “unahin ang Kaharian.”—Mateo 6:33.