Pumunta sa nilalaman

Nawasak na mga building sa isang kalsada sa Petrinja, Croatia

ENERO 8, 2021
CROATIA

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Croatia

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Croatia

Lokasyon

Malapit sa bayan ng Petrinja, na 50 kilometro sa timog ng Zagreb, Croatia

Sakuna

  • Noong Disyembre 29, 2020, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Croatia. Sinasabing ito ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa Croatia

Epekto sa mga kapatid

  • Walang nasaktan sa 91 kapatid sa lugar na iyon

  • 29 na kapatid ang lumikas

Pinsala sa ari-arian

  • 9 na bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 16 na bahay ang bahagyang nasira

  • Bahagyang nasira ang Kingdom Hall sa Sisak

Relief work

  • Nag-atas ng isang Disaster Relief Committee (DRC) ang sangay sa Croatia. Nakikipagtulungan ang DRC sa dalawang tagapangasiwa ng sirkito at sa mga elder doon para makapaglaan ng espirituwal na tulong at iba pang pangangailangan, pati na ng matutuluyan para sa mga lumikas. Ginagawa nila ito habang sumusunod sa mga safety protocol ng COVID-19

Ipinapanalangin natin na patuloy sanang patibayin ni Jehova ang mga kapatid sa mahirap na panahong ito.—1 Pedro 5:10.