Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 6, 2024
CUBA

Ini-release ang mga Aklat ng Bibliya na Mateo at Marcos sa Cuban Sign Language

Ini-release ang mga Aklat ng Bibliya na Mateo at Marcos sa Cuban Sign Language

Noong Enero 20, 2024, ini-release ang mga aklat ng Bibliya na Mateo at Marcos sa Cuban Sign Language sa isang espesyal na miting na ginanap sa Guanabacoa Assembly Hall sa Havana, Cuba. Naging available agad ang release na ito sa jw.org.

May mga 53,000 deaf sa buong Cuba. Mula noong 1990’s, sinisikap nang mapaabutan ng mabuting balita ang mga deaf sa Cuba. Ini-release ang unang mga publikasyong base sa Bibliya sa Cuban Sign Language noong 2011. Sa ngayon, mayroon nang 756 na kapatid sa 28 kongregasyon at 10 group sa buong bansa.

Tinutulungan ng isang sister ang isang brother na deaf na ma-download ang release sa cell phone nito

Ito ang unang salin ng mga aklat ng Bibliya na Mateo at Marcos sa Cuban Sign Language. Sinabi ng isang sister: “Damang-dama ko y’ong eksena sa Marcos 7:32-37, no’ng pagalingin ni Jesus y’ong lalaking bingi! Pakiramdam ko, ako y’ong pinagaling. Mas nai-imagine ko na ngayon ang magiging buhay sa bagong sanlibutan. Salamat!”

Masaya tayo para sa lahat ng nakatanggap ng regalong ito ni Jehova, at nagtitiwala tayo na marami pang gumagamit ng Cuban Sign Language ang magmamahal kay Jehova nang kanilang ‘buong puso, kaluluwa, at pag-iisip.’—Marcos 12:30.