Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 28, 2022
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Ini-release sa Wikang Kipende

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Ini-release sa Wikang Kipende

Noong Pebrero 20, 2022, ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Kipende sa isang inirekord na programa. Elektronikong format ng Bibliya ang ini-release ni Brother Nicolas Hifinger, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), sa halos 10,000 Saksi. Makukuha ang inimprentang kopya sa Abril 2022.

Nag-umpisa ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa mga nagsasalita ng Kipende noong mga 1960’s nang mabigyan ng isang kopya ng Bantayan ang lalaking nagngangalang Makanda Madinga Henri. Pagkatapos mabasa ang impormasyon, nakumbinsi siya na ang mensahe nito ay totoo at sinabi niya sa iba ang natututuhan niya. Nang maglaon, nabautismuhan siya bilang isang Saksi ni Jehova. At noong 1979, itinatag ang unang kongregasyon sa wikang Kipende sa Kiefu.

Ang Kipende remote translation office sa Kikwit, mga 500 kilometro ang layo mula sa tanggapang pansangay sa Kinshasa

Ang translation na ito ay tutulong sa ating mga kapatid sa kanilang personal na pag-aaral at sa pangangaral ng mabuting balita. Halimbawa, sinabi ni Brother Hifinger na ang bagong release na ito ng Bibliya ay “tumpak at maliwanag,” at “ibinabalik ang pangalang Jehova saan man ito makikita sa orihinal na mga teksto.”

Dalangin namin na ang Bagong Sanlibutang Salin na ito ay tutulong sa ating mga kapatid na patuloy na ‘mamunga sa mabubuting gawa at lumago sa tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos.’—Colosas 1:10.