Pumunta sa nilalaman

Pagsabog ng Bundok Nyiragongo

MAYO 31, 2021
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO

Pagsabog ng Bulkan sa Goma, Marami ang Lumikas

Pagsabog ng Bulkan sa Goma, Marami ang Lumikas

Lokasyon

Goma, Democratic Republic of the Congo

Sakuna

  • Noong Sabado, Mayo 22, 2021, sumabog ang Bundok Nyiragongo sa North Kivu Province, malapit sa lunsod ng Goma, kaya libo-libo ang napilitang lumikas

Epekto sa mga kapatid

  • 2,000 kapatid ang lumikas sa kalapit na mga lunsod

  • 35 nasa pantanging buong-panahong paglilingkod ang pansamantalang lumikas

Pinsala sa ari-arian

  • Di-kukulangin sa 29 na bahay ng ating mga kapatid ang nasira

Relief work

  • Isang Disaster Relief Committee (DRC) ang inatasang magsaayos ng mga pagtulong. Ang DRC ay nakikipagtulungan sa mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon para alamin ang pinsala ng pagsabog ng bulkan at magbigay ng praktikal na tulong sa mga kapatid

  • Sinusunod ng lahat ng kapatid ang mga safety protocol ng COVID-19

Kahit nawalan ng bahay ang ating mga kapatid, natutuwa tayo na walang isa man sa kanila ang napinsala ng likas na sakunang ito. Patuloy tayong nananalangin para sa kanila habang nagtitiwala tayo kay Jehova sa mahirap na panahong ito.—Nahum 1:7.

Nagdulot ng malaking pinsala sa isang kalapit na lunsod ang umaagos ang lava mula sa bulkan