Pumunta sa nilalaman

Isang paglalarawan sa bagong mga office building sa Lubumbashi, Democratic Republic of the Congo

ENERO 21, 2022
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO

Pagtatayo ng Bagong mga Pasilidad ng Bethel sa Democratic Republic of the Congo

Pagtatayo ng Bagong mga Pasilidad ng Bethel sa Democratic Republic of the Congo

Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong pasilidad sa Lubumbashi, sa Democratic Republic of the Congo, na magiging pangunahing tanggapang pansangay. Mga 260 Bethelite ang inaasahang lilipat doon bandang Mayo 2022, habang 131 Bethelite naman ang mananatili sa kasalukuyang tanggapang pansangay sa Kinshasa. a Nag-umpisa na rin ang pagtatayo ng karagdagang residential at office facility malapit sa sangay sa Kinshasa. Mga 48 Bethelite ang titira sa bagong pasilidad na ito sa pagtatapos ng Enero 2024. Susuportahan ng dalawang bagong pasilidad na ito ang dumaraming bilang ng mga Saksi at ang gawaing pangangaral sa Congo.

Patuloy ang pagtatayo sa una sa tatlong bagong office building

Noong 2021 taon ng paglilingkod, mahigit 250,000 ang Bible study ng mga kapatid sa Democratic Republic of the Congo. Mahigit isang milyon ang dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo. May 394 na Bethelite ngayon sa tanggapang pansangay sa Kinshasa.

Dahil hindi praktikal na magpalawak ng pasilidad sa Kinshasa, naghanap ang mga brother sa ibang lunsod. Nakita nila ang isang magandang property sa Lubumbashi kung saan puwedeng magtayo ng bagong pasilidad ng sangay at higit pang pasilidad sa hinaharap.

Kaliwa: Mga 300 Bethelite ang malapit nang lumipat sa bagong mga residence sa Lubumbashi. Kanan: Isang paglalarawan ng kumpletong proyekto

Ang property sa Lubumbashi ay 2,300 kilometro mula sa Kinshasa. Ito ay 12 ektarya at magkakaroon dito ng mga tirahan, mga opisina, bodega, isang multipurpose center na may silid kainan, at mga recreational area.

Nagsimula ang konstruksiyon noong Nobyembre 2020, pero maraming naging problema dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Brother Robert Elongo, miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa): “Sarado ang mga hangganan. Mahirap ang pag-deliver ng mga materyales para sa konstruksiyon, kaya tumagal ang proyekto.”

Pero sinabi ni Brother Elongo, “Sa loob lang ng isang taon, 40 porsiyento na ng unang bahagi ng proyekto ang natapos.”

Kitang-kitang pinagpapala ni Jehova ang proyekto ng pagtatayo. Dalangin natin na ang bagong mga pasilidad na ito ay maging magandang patotoo sa komunidad at magdala ng kaluwalhatian sa pangalan ng Diyos na Jehova.​—Mateo 24:47.

a Ang sangay sa Democratic Republic of the Congo (Kinshasa) ang nangangasiwa sa teokratikong gawain sa Democratic Republic of the Congo at sa Republic of the Congo.