HUNYO 3, 2021
DEMOCRATIC REPUBLIC OF THE CONGO
Sa Congo, Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Wikang Alur
Noong Mayo 30, 2021, ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Alur. Si Brother Hugues Kabitshwa, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa), ang nag-release ng Bibliya sa digital format nito sa isang nakarekord na programa.
Mahahalagang Impormasyon Tungkol sa Proyekto
Alur ang wikang sinasalita sa Central Africa, lalo na sa hilagang-silangan ng Democratic Republic of the Congo at ng kalapít na Uganda
Tinatayang 1,735,000 ang nagsasalita ng Alur
Mahigit 1,500 kapatid ang naglilingkod sa 48 kongregasyon at grupo na nagsasalita ng Alur
6 na translator ang nagtulong-tulong para matapos ang proyekto sa loob ng 12 buwan
Sinabi ni Brother Christian Belotti, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Congo (Kinshasa): “Magugustuhang basahin ng mga kapatid na nagsasalita ng Alur ang Bibliyang ito. Tutulong ito sa kanila na maipaliwanag ang Kasulatan sa iba para maintindihan at mahalin ng mga ito ang Salita ng Diyos.”—Lucas 24:32.
Tiyak na makakatulong ang ini-release na Bibliyang ito para patuloy na maihayag ng mga kapatid natin ang “walang-hanggang mabuting balita.”—Apocalipsis 14:6.