OKTUBRE 14, 2013
DOMINICAN REPUBLIC
Kauna-unahang Kasal na Isinagawa ng mga Saksi na Legal na Kinilala sa Dominican Republic
Dalawang Saksi ni Jehova sa Dominican Republic ang ikinasal sa isang makasaysayang seremonya noong Agosto 28, 2013. Mula pa noong 1954, ang mga kasal na hindi isinagawa ng simbahang Katoliko o ng civil registry ay hindi kinikilala ng batas dahil sa isang kasunduan sa pagitan ng Dominican Republic at ng Vatican. Dahil dito, kailangang iparehistro ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang kasal sa gobyerno bukod pa sa anumang relihiyosong seremonya sa kasal na isinagawa nila. Pero dahil sa isang bagong saligang-batas, legal nang kinikilala ang mga seremonya sa kasal ng ibang relihiyon, kabilang na ang mga Saksi ni Jehova. Ang kasalang iyon noong Agosto 28 ang kauna-unahang di-Katolikong kasal sa bansa.
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Dominican Republic: Josué Feliz, tel. +1 809 595 4007