Pumunta sa nilalaman

ABRIL 29, 2016
ECUADOR

Lindol sa Ecuador

Lindol sa Ecuador

Isang lindol na 7.8 magnitude ang dumagundong sa Pacific Coast ng Ecuador noong Abril 16, 2016. Ang lindol at ang kasunod na mga pagyanig ay nagdulot ng malaking pinsala at kumitil ng mahigit 650 tao. Hindi napinsala ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ecuador, pero maraming tahanan ng mga Saksi ang nasira. Ayon din sa pinakabagong mga ulat, isang Saksi ang kumpirmadong patay. Nagpadala ang mga Saksi ng mga trak na may pagkain at tubig na maiinom sa apektadong lugar. Dalawang disaster relief committee ang agad na ipinadala ng tanggapang pansangay para mangasiwa sa inisyal na tulong, at nagtatag sila ng dalawang relief center, isa sa lunsod ng Pedernales at ang isa pa ay sa Manta. May apat na kinatawan din mula sa sangay ang bumisita sa apektadong lugar para maglaan ng espirituwal na tulong.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Ecuador: Marco Brito, tel. +593 98 488 8580