Pumunta sa nilalaman

ENERO 29, 2021
ERITREA

Isa Pang Saksi ni Jehova ang Pinalaya ng mga Awtoridad sa Eritrea

Isa Pang Saksi ni Jehova ang Pinalaya ng mga Awtoridad sa Eritrea

Noong Enero 29, 2021, isa pang kapatid natin ang pinalaya matapos mabilanggo nang mahigit 12 taon dahil sa kaniyang pananampalataya. Nauna nang pinalaya ang 28 Saksi noong Disyembre 4, 2020. Masaya tayo sa magandang pangyayaring ito. Patuloy nating ipinapanalangin ang 23 pang kapatid na nakabilanggo sa Eritrea.—Hebreo 13:3.