Pumunta sa nilalaman

ERITREA

Mahahalagang Pangyayari sa Eritrea

Mahahalagang Pangyayari sa Eritrea
  1. ABRIL 2014—Inaresto at ikinulong ng mga awtoridad ang mahigit 120 Saksi (lalaki, babae, at bata) dahil sa pagdalo sa relihiyosong mga pulong; pinalaya rin ang karamihan sa kanila

  2. HULYO 8, 2008—Ni-raid ng mga awtoridad ang mga tirahan at pinagtatrabahuhan ng mga Saksi at inaresto ang 24 sa kanila

  3. MAYO 2002—Ipinagbawal ng gobyerno ang lahat ng grupo ng relihiyon maliban sa apat na relihiyon

  4. OKTUBRE 25, 1994—Sa isang Presidential Decree, inalisan ng pagiging mamamayan at ng mga karapatang sibil ang mga Saksi ni Jehova

  5. SETYEMBRE 17, 1994—Inaresto ng mga awtoridad sina Paulos Eyassu, Isaac Mogos, at Negede Teklemariam kahit walang kaso

  6. 1994—Sinimulang arestuhin at ibilanggo ng mga awtoridad ang mga Saksi ni Jehova

  7. ABRIL 27, 1993—Idineklara ng Eritrea ang kalayaan nito mula sa Ethiopia

  8. 1954—Nagsimulang magsama-sama para sa pagsamba ang isang maliit na grupo ng mga Saksi ni Jehova