Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 8, 2023
ETHIOPIA

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Sidama at Wolaita

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Sidama at Wolaita

Noong Hulyo 23, 2023, ini-release ni Brother Lemma Koyra, miyembro ng Komite ng Sangay sa Ethiopia, ang digital version ng Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa mga wikang Sidama at Wolaita. Ipinatalastas ito sa isang special meeting sa Assembly Hall sa Addis Ababa, Ethiopia. Halos 1,800 katao ang nagpunta, at tinatayang 12,669 ang nakapanood ng programa sa pamamagitan ng videoconference at sa isang satellite-television channel. Pagkatapos i-release, puwede nang ma-download ang digital edition nito. Makukuha ng mga kongregasyon ang inimprentang mga kopya ng aklat ng Mateo sa darating na mga buwan.

Nakatira sa timog ng Ethiopia ang karamihan ng mga taong nagsasalita ng Wolaita at Sidama. Nagkaroon ng translation team para sa Wolaita noong 2005, at para sa Sidama naman noong 2007. Ang dalawang team ay nasa remote translation office sa mga lugar kung saan maraming tao ang nagsasalita ng Wolaita o Sidama.

Masaya ang mga kapatid na nagsasalita ng Sidama nang matanggap nila ang aklat ng Mateo

Kahit may kumpletong mga salin ng Bibliya sa dalawang wikang ito, mahirap makahanap at napakamahal. Ganito inilarawan ng isang tagapagsalin ang karanasan ng maraming kapatid na nagsasalita ng Sidama: “Karamihan ng mga kongregasyon ay may iisang kopya lang ng Bibliya. Sa pulong, ang tagapagsalita lang ang puwedeng gumamit ng Bibliya. Kaya kahit sa sarili naming Bible reading, kailangan pa naming pumunta sa Kingdom Hall. Dahil may aklat na ng Mateo sa Sidama, nababasa na namin ang Salita ng Diyos sa bahay.”

Mga kapatid na pumapalakpak sa release ng aklat ng Mateo sa Wolaita

Nagpapasalamat naman ang isang tagapagsalin sa translation team ng wikang Wolaita sa malinaw na pagkakasalin sa Bagong Sanlibutang Salin. Sinabi niya: “Inilarawan sa isang Bibliya ang banal na espiritu bilang indibidwal sa Mateo 28:19. Kaya sa ministeryo, napakahirap ipaliwanag ang pagkakaiba ng Ama, Anak, at ng banal na espiritu. Pero sa Bagong Sanlibutang Salin, tumpak ang pagkakalarawan sa banal na espiritu bilang isang puwersa. Alam kong malaking tulong sa pangangaral ang salin na ito ng aklat ng Mateo sa Wolaita.”

Pinatutunayan ng release ng Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa Sidama at Wolaita na ang mabuting balita ay naipapangaral sa “bawat bansa at tribo at wika.”—Apocalipsis 14:6.