Pumunta sa nilalaman

MARSO 13, 2019
ETHIOPIA

Isang Sister ang Namatay sa Pag-crash ng Eroplano ng Ethiopian Airlines

Isang Sister ang Namatay sa Pag-crash ng Eroplano ng Ethiopian Airlines

Noong Linggo, Marso 10, nag-crash ang Ethiopian Airlines Flight 302 ilang sandali lang matapos mag-take off mula sa Addis Ababa, na kabisera ng Ethiopia. Namatay ang lahat ng pasahero nito na 157.

Nakakalungkot na isa sa mga kapatid natin, si Rosemary Mumbi, ay kasama sa mga namatay sa pag-crash ng eroplano. Si Sister Mumbi ay 66 anyos at buong-panahong ministro sa Roma Manzoni Inglese Congregation sa Rome, Italy.

Nalulungkot tayo sa pagkamatay ng ating kapatid sa trahedyang ito. Inaasam natin ang pagkabuhay-muli ng mga tapat na lingkod ni Jehova, kasama na si Sister Mumbi.—Apocalipsis 20:13.