ENERO 7, 2021
FIJI
Category Five na Bagyong Yasa, Nanalanta sa Fiji
Lokasyon
Fiji
Sakuna
Noong Huwebes, Disyembre 17, 2020, nag-landfall ang Bagyong Yasa sa Vanua Levu, ang pangalawa sa pinakamalaking isla sa Fiji
Ang Yasa ang pangalawa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Fiji. Ayon sa report, umabot sa 260 kilometro kada oras ang bilis ng hangin nito
Di-bababa sa 30 kongregasyon at mga isolated group ang nasa lugar na dinaanan ng bagyo
Epekto sa mga kapatid
Walang kapatid na nasaktan
Ayon sa mga unang report, 20 pamilya ang inilikas
Sinira ng bagyo ang maraming pananim, na pinagkukunan ng pagkain ng 430 kapatid sa lugar
Pinsala sa ari-arian
10 bahay ang nawasak
25 bahay ang nasira
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief work
Nag-atas ang sangay sa Fiji ng tatlong Disaster Relief Committee (DRC). Naglaan ang mga ito ng pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhang kapatid, gaya ng tubig na maiinom, damit, pagkain, at mga tarpaulin. Tinulungan din ng mga DRC na makahanap ng pansamantalang matutuluyan ang lumikas na mga kapatid
Dinalaw ng ilang brother mula sa sangay sa Fiji at mga tagapangasiwa ng sirkito doon ang mga kapatid para patibayin sila
Sinusunod nila at ng iba pang tumutulong sa relief work ang mga safety protocol ng COVID-19
Kahit nawalan ng ari-arian ang mga kapatid dahil sa napakalakas na bagyong ito, kitang-kita pa rin nila kung gaano katotoo ang sinasabi ng Awit 46:1: “Ang Diyos ang ating kanlungan.”