OKTUBRE 29, 2018
FRANCE
Binaha ang Gawing Timog ng France
Binaha ang gawing timog ng France dahil sa malakas na pag-ulan noong Oktubre 14 at 15, 2018, at di-kukulangin sa 10 tao ang namatay.
Ayon sa sangay sa France, ligtas ang lahat ng kapatid nating nakatira sa rehiyong iyon, pero may ilang pamilyang lumikas dahil sa pagbaha. Iniulat ng ilang Saksi na may mga pag-aari silang bahagyang napinsala; tatlong pag-aari naman ang labis na napinsala. Ang mga kapatid ay tinutulungan ng Disaster Relief Desk sa tanggapang pansangay.
Nagtitiwala tayong ang malakas na kamay ng Diyos nating si Jehova ay “nakahawak nang mahigpit” sa ating mga kapatid na patuloy na umaasa sa kaniya sa mahirap na panahong ito.—Awit 63:8.