Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 12, 2012
FRANCE

France—Ibinalik ang Pondong Ilegal na Kinolekta sa Mga Saksi ni Jehova

France—Ibinalik ang Pondong Ilegal na Kinolekta sa Mga Saksi ni Jehova

Matapos ang 14-na-taóng legal na usapin, noong Disyembre 11, 2012, ibinalik ng gobyerno ng France sa Mga Saksi ni Jehova ang pondong umaabot nang 6,373,987.31 euro ($8,294,320).

Noong 1998, pinatawan ng gobyerno ng France ng 60 porsiyentong buwis ang mga donasyong natanggap ng mga Saksi ni Jehova sa nakalipas na mga taon, at noong 2003, hiningi nito ang bahagi ng kabayaran. Ayon sa desisyon ng European Court of Human Rights (ECHR), nilabag ng France ang kalayaan sa relihiyon ng mga Saksi ni Jehova nang magpataw ito ng ilegal na buwis, na kung naipatupad, hahantong sa pagsasara ng mga opisina ng mga Saksi sa bansa at mahahadlangan ang kanilang gawaing pagtuturo sa Bibliya. Dahil sa hatol ng ECHR na ilegal ang ipinataw na buwis, ang gobyerno ng France ay kumikilos na ngayon ayon sa ibinabang desisyon—ibinalik nito ang kinolektang pondo, pati na ang interes, at binayaran ang nagastos ng mga Saksi sa kaso.

Media Contacts:

J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

France: Guy Canonici, tel. +33 2 32 25 55 55