HULYO 6, 2023
GEORGIA
Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Mingrelian
Noong Hunyo 30, 2023, ini-release ni Brother Joni Shalamberidze, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Georgia, ang aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Mingrelian. Ito ang unang aklat ng Bibliya na nailathala sa wikang iyon. Ini-release ang aklat na ito sa 627 dumalo sa 2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Assembly Hall sa Zugdidi, Georgia. Available ito sa printed at electronic format.
Nakatira sa Samegrelo sa western Georgia ang karamihan sa mga nagsasalita ng wikang Mingrelian. Noong 2019, nagtayo ng isang remote translation office ang mga Saksi ni Jehova sa Zugdidi.
Ang mga Saksi ni Jehova ay isa sa iilang organisasyon na nakapaglathala ng babasahín sa wikang Mingrelian. “Dahil karaniwan nang sinasalita lang ang Mingrelian, wala itong sinusunod na pamantayan sa grammar at ispeling,” ang sabi ng isang tagapagsalin. “Kaya napakahirap magsalin. Nagdesisyon kami na sundin ang mga tuntunin sa grammar ng Georgia habang maingat na isinasaalang-alang kung paano sinasalita ang Mingrelian.”
Ang ilang salita rin na ginagamit sa Bibliya ay walang espesipikong katumbas sa Mingrelian. Halimbawa, wala itong salita para sa “pagsisisi.” Kaya tinumbasan ito ng mga tagapagsalin ng “pagkadama ng lungkot dahil sa nagawang mali.”
Masaya tayo para sa mga kapatid nating nagsasalita ng Mingrelian dahil magagamit nila ang bagong saling ito para matulungan ang mas marami pang tao na “nagugutom at nauuhaw sa katuwiran.”—Mateo 5:6.