HUNYO 23, 2020
GEORGIA
Inilabas ang Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Wikang Georgian
Noong Linggo, Hunyo 21, 2020, inilabas ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Georgian sa isang espesyal na pagtitipong idinaos sa pamamagitan ng videoconference. Inilabas ni Brother Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang Bibliya sa isang pahayag na nauna nang inirekord. Napanood ng 19,521 katao ang programa. Ang elektronikong bersiyon ng nirebisang salin ay naging available din agad sa jw.org.
Apat na taon ang ginugol sa pagsasalin ng nirebisang Bibliya sa Georgian. Ganito ang sinabi ng isang miyembro ng translation team: “Simpleng mga salita ang ginamit, kaya madaling maintindihan ng mga tao ang Bibliya anuman ang edad nila. Umaasa akong masisiyahan ang mga pamilya sa pag-aaral nito nang magkakasama.”
Isa pang translator ang nagsabi, “Tunguhin namin na madaling maunawaan ng lahat ng mambabasa ang Bibliya anuman ang pinag-aralan nila.”
Nagtitiwala tayo na ang lahat ng gagamit ng tumpak at malinaw na saling ito ng Bibliya ay magpapahalaga sa regalong ito ni Jehova na nagpapakita ng pag-ibig niya.—Santiago 1:17.