HULYO 11, 2019
GREECE
Athens, Greece—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hulyo 5-7, 2019
Lokasyon: Athens Olympic Stadium sa Athens, Greece
Wika ng Programa: Albanian, English, Greek, Greek Sign Language, Romany (southern Greece), Russian
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 36,873
Bilang ng Nabautismuhan: 406
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,000
Mga Sangay na Imbitado: Albania, Armenia, Australasia, Bulgaria, Central America, Central Europe, Fiji, Japan, Kyrgyzstan, North Macedonia, Turkey, United States
Karanasan: Sinabi ng isang travel agent: “Buong buhay ko, travel agent na ako. Pero kahit saan, wala pa akong nakitang ganito kagaling mag-asikaso at mag-organisa ng mga manlalakbay. Pinagmamasdan ko kayo kahapon at hindi ako makapaniwala! Naorganisa ninyo nang maayos ang 2,600 tao sa loob lang ng ilang oras. Daig n’yo pa ang mga propesyonal! Pero ang pinakanagustuhan ko ay ang mga ngiti ninyo. Maniwala kayo, ang tagal-tagal ko na sa trabahong ito, alam ko kung ngumingiti lang dahil sa ‘trabaho’ o kung ngumingiti mula sa puso. Pero kayo, ngumingiti kayong lahat mula sa puso.”
Ilan sa mahigit 4,000 boluntaryo na naghahanda ng istadyum bago ang kombensiyon
Mga kabataang sumasalubong sa mga delegado sa Greece
Isa sa 406 na bagong kapatid ang binabautismuhan
Mga sister sa Romany section na nagpapa-picture sa lugar ng kombensiyon. Ito ang unang internasyonal na kombensiyon sa Greece na may wikang Romany
Mga delegadong nakikibahagi sa ministeryo kasama ang lokal na mga kapatid
Mga delegadong nagtu-tour sa mga sinaunang guho sa Greece
Isang Bible drama sa evening gathering na tungkol sa ministeryo ni apostol Pablo sa Greece
Mga kapatid na sumasayaw ng Syrtaki para sa mga delegado
Sister na tumutugtog ng bouzouki, isang tradisyonal na instrumentong de-kuwerdas sa Greece
Mga delegadong nag-aaral ng ilang salita sa Greek
Si Brother David Splane, miyembro ng Lupong Tagapamahala, habang ibinibigay ang huling pahayag sa pangalawang araw ng kombensiyon na isinasalin sa wikang Greek
Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway para magpaalam sa mga dumalo sa huling araw ng kombensiyon