Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 4, 2014
GREECE

Balita sa Internasyonal na Kombensiyon: Mga Saksi ni Jehova Nagtipon sa Olympic Stadium sa Greece

Balita sa Internasyonal na Kombensiyon: Mga Saksi ni Jehova Nagtipon sa Olympic Stadium sa Greece

Sa pagtatapos ng bawat araw, si Samuel Herd (kanan) na miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ay nagbibigay ng lektyur sa Bibliya na isinasalin sa Greek.

Mayroon ding bautismo sa okasyong iyon noong Sabado, Hunyo 28; 337 ang nabautismuhan, 305 sa Greece at 32 sa Cyprus.

ATHENS, Greece—Noong Hunyo 27-29, 2014, idinaos ng mga Saksi ni Jehova ang “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos!” na Internasyonal na Kombensiyon sa Olympic Athletic Center of Athens, kung saan ginanap ang Olympic Games noong 2004. Dinaluhan ito ng 35,863 estudyante ng Bibliya. Napanood din ng 3,093 nasa Belgium at Cyprus ang ilang bahagi ng programa sa pamamagitan ng video, kaya umabot sa 38,956 ang bilang ng dumalo.

Kabilang sa mga dumalo ay mga delegado mula sa Croatia, Hungary, Korea, Romania, South Africa, Turkey, at Estados Unidos. Sinabi ng manedyer ng Olympic stadium na si Christina Michail: “Nakakatuwang makita ang mga taong nagmula sa iba’t ibang bansa at iba’t iba ang lahi na magkakatabi sa upuan, nagkukuhanan ng litrato; lahat ng nandoon, nagmamahalan kaya ang ganda-gandang tingnan . . . Kapansin-pansin talaga iyon kasi hindi ganoon ang karaniwang nangyayari sa istadyum. Kadalasan nang ang nandito ay mahihilig sa isport at mga tagahanga ng mga manlalaro, at ibang-iba ang ugali nila; kaya naman hangang-hanga kami at tuwang-tuwang makita ang ganitong eksena.”

Mga dumalo sa Olympic Athletic Center of Athens.

Idinagdag ni Robert Kern, isang tagapagsalita para sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Greece: “Daan-daang sulat ang natanggap namin. Nagpapasalamat sila sa programa at sa pagkakataon nila na maranasan ang internasyonal na kapatiran. Napakasarap na makasama ang mga kapuwa natin mananamba mula sa ibang bansa sa di-malilimot na okasyong ito.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Greece: Babis Andreopoulos, tel. +30 210 617 8606