Pumunta sa nilalaman

HUNYO 26, 2017
GUATEMALA

Malakas na Lindol ang Yumanig Malapit sa Hanggahan ng Guatemala-Mexico

Malakas na Lindol ang Yumanig Malapit sa Hanggahan ng Guatemala-Mexico

Tinutulungan ng mga Saksi ni Jehova ang mga biktima ng isang malakas na lindol, na yumanig sa gawing kanluran ng Guatemala malapit sa hanggahan ng Mexico noong Miyerkules, Hunyo 14, 2017. Ayon sa pinakabagong report ng media, ang lindol na may lakas na 6.9 ay kumitil ng di-kukulangin sa lima katao at naging dahilan ng ilang pagguho ng lupa.

Walang iniulat na namatay o nasugatan sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa apektadong mga lugar. Pero 11 dako ng pagsamba at 17 bahay ang napinsala. Pinakilos ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Central America, na nasa Mexico City, ang tatlong disaster relief committee sa Guatemala para tingnan ang laki ng pinsala at pabilisin ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima.

Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Mexico: Gamaliel Camarillo, +52-555-133-3048

Guatemala: Juan Carlos Rodas, +502-5967-6015