Pumunta sa nilalaman

Binahang kalye sa Léogâne, Haiti. Nakasingit na larawan sa itaas: Isang elder na nililinis ang putik sa tapat ng bahay ng isang sister. Nakasingit na larawan sa ibaba: Mga brother na naglilinis ng bahay ng isang sister

HUNYO 15, 2023
HAITI

Malaki ang Pinsala ng Pagbaha sa Haiti

Malaki ang Pinsala ng Pagbaha sa Haiti

Noong Hunyo 2 at 3, 2023, binaha ang maraming lugar sa Haiti dahil sa malalakas na pag-ulan. Ayon sa mga report, sampu-sampung libong bahay ang binaha, na nakaapekto sa halos 40,000 pamilya. Mahigit 13,500 ang lumikas. Di-bababa sa 50 ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay

  • 1 brother at 1 sister ang nasugatan

  • 60 kapatid ang lumikas

  • 1 bahay ang nawasak

  • 3 bahay ang matinding napinsala

  • 19 na bahay ang bahagyang napinsala

  • Walang Kingdom Hall o teokratikong pasilidad ang nasira

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan

  • Tumutulong ang lokal na mga kongregasyon sa relief work

Sigurado tayo na “bibigyan ni Jehova ng lakas” ang mga kapatid natin na naapektuhan ng pagbaha sa Haiti.—Awit 29:11.