Pumunta sa nilalaman

Nasusunog na mga gulong na nakaharang sa isang kalye sa Port-au-Prince, Haiti

MARSO 19, 2024
HAITI

Mga Kapatid sa Haiti sa Gitna ng Tumitinding Kaguluhan sa Bansa

Mga Kapatid sa Haiti sa Gitna ng Tumitinding Kaguluhan sa Bansa

Nitong nakalipas na mga taon, naapektuhan ang mga kapatid natin sa Haiti ng tumitinding kaguluhan sa komunidad at karahasan ng mga gang. Nagkagulo sa kabiserang lunsod ng Haiti, ang Port-au-Prince, mula noong Marso 2, 2024, nang salakayin ng mga armadong grupo ang mahahalagang gusali doon. Dahil diyan, nagtakda ng curfew ang gobyerno at nagdeklara ng state of emergency. Ayon sa report, nasa 15,000 tao ang kinailangang lumikas sa mas ligtas na mga lugar sa bansa at marami ang pinatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang nasugatan o namatay na kapatid

  • 113 kapatid ang kinailangang lumikas

  • 2 bahay ang nasira

  • 5 pamilya ang nawalan ng lahat ng ari-arian dahil sa mga pagnanakaw

  • Walang napinsala o nasirang Kingdom Hall

Relief Work

  • 4 na Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng relief work sa buong teritoryo ng sangay

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan, kasama na ang mga nagsilikas dahil sa kaguluhan

Ipinapanalangin natin sa buong daigdig na bigyan sana ni Jehova ang mga kapatid sa Haiti ng karunungan at kalmadong puso sa mahirap na panahong ito. Sabik na sabik na tayong matupad ang pangako ni Jehova na isang bagong sanlibutan kung saan “mamamayani ang kapayapaan.”—Awit 72:7.