Pumunta sa nilalaman

Isang bahay ng brother na sinira ng lindol sa Haiti

AGOSTO 18, 2021
HAITI

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Haiti

Niyanig ng Malakas na Lindol ang Haiti

Noong Agosto 14, 2021, niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang timog-kanlurang Haiti, na sinundan ng ilang aftershock. Sinusuri pa ang naging pinsala.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 2 sister at 1 brother ang namatay

  • 21 kapatid ang nasugatan

  • 119 na bahay ang nasira

  • 72 bahay ang nawasak

  • 5 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 4 na Kingdom Hall ang lubhang nasira

Relief Work

  • Inoorganisa ng isang Disaster Relief Committee (DRC) ang mga pagtulong. Nakikipagtulungan ang DRC sa dalawang tagapangasiwa ng sirkito, kasama ang mga elder doon para magbigay ng praktikal na tulong at patibayin ang mga kapatid na nasa apektadong lugar

  • Isinasaayos ng DRC ang pamamahagi ng mga suplay, gaya ng kumot, damit, pagkain, gamot, trapal, at tubig. Isinaayos din nilang magamot ang mga kapatid na nasugatan

  • Sinusunod ng lahat ng nasa relief work na ito ang safety protocol sa COVID-19

Sa kabila ng mahirap na sitwasyong ito, karamihan sa mga kongregasyong naapektuhan ay nakapagdaos pa rin ng pulong sa pamamagitan ng videoconference noong Linggo, Agosto 15. Napanood din ng mga kapatid ang programa na “Pinapalakas ng Pananampalataya!” na Kombensiyon para sa Linggo ng umaga.

Nalulungkot tayo sa pagkamatay ng tatlo nating kapatid. Ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid na nagdadalamhati, nasugatan, o nade-depress dahil sa pinsalang ginawa ng lindol. Alam nating nakikita ni Jehova ang pinagdadaanan nila ngayon at patuloy siyang magiging kanlungan at lakas para sa kanila sa mahirap na panahong ito.—Awit 46:1, 2.