Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 15, 2018
HAITI

Niyanig ng Lindol ang Hilagang Haiti

Niyanig ng Lindol ang Hilagang Haiti

Noong Sabado, Oktubre 6, 2018, isang lindol na may magnitude na 5.9 ang yumanig sa hilagang rehiyon ng Haiti; 17 ang namatay at mahigit 300 ang sugatán.

Ayon sa ulat, walang Saksi ang namatay, pero dalawang kapatid ang nasugatan. Sa naunang mga report ng mga tagapangasiwa ng sirkito, 44 na bahay ng mga kapatid at 4 na Kingdom Hall ang nasira. Sa lunsod ng Port-de-Paix, mga 50 kapatid, kasama ang mga pamilya nila, ang lumikas dahil hindi na ligtas ang tinitirhan nila. Ang mga pamilyang ito ay tinutulungan ng mga kapatid doon. Isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Haiti at dalawang brother sa Local Design/Construction Department ang bumisita sa apektadong lugar para alamin ang pinsala doon at makapagbigay ng pampatibay. Isang Disaster Relief Committee ang binuo para mag-organisa ng relief effort.

Patuloy nating ipanalangin ang ating mga kapatid sa Haiti. Nagpapasalamat tayo sa ating maibiging Ama sa langit na nangangakong magpapatibay sa tapat na mga lingkod niya dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig.—Awit 119:76.