Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 31, 2017
HONG KONG

Bagyong Hato—Binayo ang Hong Kong at Macau

Bagyong Hato—Binayo ang Hong Kong at Macau

Noong Miyerkules, Agosto 23, binayo ng Bagyong Hato, na Category 10, ang timugang China, pati na ang mga lunsod ng Hong Kong at Macau. Walang iniulat na namatay sa Hong Kong, pero 34 katao ang nasugatan. Sa Macau, di-kukulangin sa 9 katao ang namatay at 153 ang nasugatan.

Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Hong Kong, na nag-oorganisa rin sa gawain ng mga Saksi sa Macau, na walang Saksi ang namatay dahil sa bagyo. Pero marami ang nawalan ng kuryente at maiinom na tubig sa Macau. Ang tanggapang pansangay ay nakikipag-ugnayan sa mga Saksi roon para paglaanan ang kanilang mga kapuwa Saksi ng maiinom na tubig at iba pang suplay.

Mahigit 5,500 Saksi ni Jehova ang nakatira sa Hong Kong, at 320 naman sa Macau.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Hong Kong: Danny Steensen, +852-3950-3500