NOBYEMBRE 22, 2023
INDIA
Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Nicobarese
Noong Nobyembre 10, 2023, ini-release ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa wikang Nicobarese sa 180 katao na dumalo sa “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa lunsod ng Port Blair, sa Andaman and Nicobar Islands, India. Available agad ang digital format ng aklat na ito. Makukuha naman sa hinaharap ang inimprentang bersiyon.
Makikita sa Indian Ocean ang Andaman and Nicobar Islands, na binubuo ng mahigit 800 maliliit at mabatong isla at 31 sa mga ito ang tinitirhan. Tinatayang 30,000 sa 430,000 nakatira sa mga islang ito ang nagsasalita ng Nicobarese. Naitatag ang unang kongregasyong nagsasalita ng Nicobarese noong 2001. Ngayon, mayroon nang tatlong kongregasyon nito na may 129 na mamamahayag.
Nag-iisa lang ang kumpletong Bibliya sa wikang Nicobarese, at mababasa dito ang pangalang Jehova sa Awit 83:18 at sa ilan pang talata, pero hindi ito ginamit sa aklat ng Mateo. Marami ding salita at ekspresyon ang makaluma at mahirap maintindihan. Ang bagong release na aklat na ito ng Mateo ay madaling maintindihan at masarap basahin. Ibinalik din nito ang pangalan ng Diyos na Jehova sa 18 lugar.
Sigurado tayo na ang bagong salin na ito ng aklat ng Mateo ay tutulong sa marami pang tapat-pusong nagsasalita ng Nicobarese na maging malapít sa Diyos na lumalang ng lahat ng bagay, si Jehova.—Awit 36:9.