AGOSTO 16, 2019
INDIA
Pagbaha sa Kanlurang India
Ayon sa balita, di-kukulangin sa 169 ang namatay dahil sa baha sa kanluran ng India, sa Gujarat, Maharashtra, Karnataka, at Kerala.
Walang kapatid na namatay o nasaktan, ayon sa ulat ng sangay sa India. Narito ang karagdagang ulat.
Gujarat: Sa lunsod ng Vadodara, 145 mamamahayag ang naapektuhan ng baha. Hindi naman napinsala ang remote translation office ng wikang Gujarati na nasa Vadodara.
Maharashtra: Sa Mumbai, binaha ang mga bahay ng anim na pamilya. Sa lunsod ng Sangli, mga 378 kilometro sa timog-silangan ng Mumbai, 25 mamamahayag ang inilikas at pinatuloy sa bahay ng mga kapatid sa kalapít na lunsod.
Karnataka: Anim na pamilya ang inilikas. Nandito ang tanggapang sangay, pero hindi naman ito naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha.
Kerala: Mga 100 pamilya ang lumikas sa mas mataas na lugar at nakikituloy ngayon sa mga kapatid. Inaalam ng Disaster Relief Committee ang kasalukuyang sitwasyon.
Kumikilos ang sangay para makapaglaan ng kinakailangang tulong sa apektadong mga lugar. Nagtutulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito at mga field personnel ng Local Design/Construction para malaman ang kalagayan ng mga kapatid at maibigay ang kailangan nila, gaya ng malinis na tubig at espirituwal na pampatibay.
Dalangin natin ang patuloy na pag-alalay ni Jehova sa mga kapatid na naapektuhan ng baha. Nasasabik na tayo sa panahong wala nang sakuna at ang lupa ay punô na ng “lubos na kapayapaan.”—Awit 37:11.