Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 28, 2018
INDIA

Sinalanta ng Bagyong Gaja ang India

Sinalanta ng Bagyong Gaja ang India

Noong Nobyembre 16, 2018, sinalanta ng Bagyong Gaja ang isang estado sa timog ng India, ang Tamil Nadu. Di-bababa sa 46 katao ang namatay, tinatayang 250,000 katao ang lumikas, at mahigit 85,000 na bahay ang nasira o nawasak.

Bahay ng isang kapatid sa Mannargudi, Tamil Nadu, na nabagsakan ng puno.

Ayon sa ulat ng sangay sa India, walang kapatid ang nasaktan o nasawi sa bagyo. Pero 38 bahay ng mga kapatid at 2 Kingdom Hall ang nasira. Bumuo ang sangay ng Disaster Relief Committee para mag-organisa ng relief work, kasama na ang pagbibigay ng pagkain at tubig sa mga kapatid na naging biktima.

Humihiling tayo kay Jehova na tulungan ang mga kapatid natin sa India na naapektuhan ng Bagyong Gaja sa pamamagitan ng mapagmahal na pangangasiwa ng mga elder.—1 Pedro 5:2.