Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 3, 2017
INDIA

India—Binaha

India—Binaha

Isang matinding habagat na may kasamang malalakas na kidlat at bagyo na itinuturing ng mga eksperto na pinakamalakas na ulan sa nakalipas na siglo ang naranasan sa ilang bahagi ng India. Napinsala ang ilang estado dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa; mga 700 katao ang namatay at milyon-milyon ang lumikas.

Hanggang noong Hulyo 31, 2017, walang iniulat na namatay o malubhang nasugatan sa mga Saksi ni Jehova. Gayunman, hindi kukulangin sa tatlong bahay ng mga pamilyang Saksi ang binaha pero hindi naman masyadong napinsala. Ang mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa India ay naglalaan ng kinakailangang tulong sa kanilang mga kapuwa Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

India: Tobias Dias, +91-9845476425