Mahahalagang Pangyayari sa India
ENERO 27, 2014—Kinumpirma ng Karnataka State Human Rights Commission na nilabag ng mga pulis ang karapatan ng mga Saksi, at inirekomenda nitong magbayad sila ng danyos
MARSO 2002—Inilipat ng mga Saksi sa Bangalore ang tanggapan nila para sa mas malaking pasilidad
2002—Dumami ang mga insidente ng karahasan laban sa mga Saksi ni Jehova
AGOSTO 11, 1986—Nagbaba ng mahalagang desisyon ang Korte Suprema ng India sa Bijoe Emmanuel v. State of Kerala, na pabor sa malayang pangangaral ng mga Saksi
MARSO 7, 1978—Nagparehistro ang mga Saksi ng isang legal na korporasyon, ang Watch Tower Bible and Tract Society of India
ENERO 26, 1950—Naging independiyenteng bansa ang India at gumawa ito ng bagong konstitusyon
DISYEMBRE 9, 1944—Inalis na ng gobyerno ang pagbabawal sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova
HUNYO 14, 1941—Ipinagbawal ng gobyerno ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova
1926—Nagtayo ng tanggapan ang mga Saksi sa Bombay
1905—Nabuo ang unang grupo ng mga Saksi ni Jehova