Pumunta sa nilalaman

Sina Daniel Hutabarat at Wilhinson Sihotang sa harap ng Kingdom Hall sa Batam, Riau Islands

PEBRERO 26, 2020
INDONESIA

Kinilala ng Provincial Board of Education ang Relihiyosong Paniniwala ng Dalawang Saksing Tin-edyer

Kinilala ng Provincial Board of Education ang Relihiyosong Paniniwala ng Dalawang Saksing Tin-edyer

Noong Enero 22, 2020, ipinag-utos ng Provincial Board of Education ng Indonesia na ibalik sa paaralan ang dalawang tin-edyer na Saksi ni Jehova na sina Daniel Hutabarat at Wilhinson Sihotang. Pinatalsik sila sa paaralan noong Nobyembre 29, 2019 dahil sa pagtangging sumaludo sa bandila at kumanta ng pambansang awit udyok ng kanilang konsensiya. Noong Enero 23, 2020, pinabalik sila sa paaralan.

Matapos pag-aralan ang nangyari, sinabi ng Provincial Board of Education na iginalang ng mga kapatid ang paaralan at ang gobyerno. Ayaw lang nilang sumali sa kahit anong gawain na lumalabag sa kanilang konsensiya na sinanay sa Bibliya. Sinabi ni Brother Yoga Sulistiono, na nangangasiwa sa Public Information Desk sa Indonesia: “Masaya ang mga Saksi ni Jehova sa Indonesia dahil sa desisyong ito, at nagpapasalamat kami sa mga awtoridad dahil iginagalang nila ang aming kalayaan sa relihiyon.”

Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo kay Jehova, ang ating Dakilang Tagapagturo, dahil sa desisyong ito.—Isaias 30:20.