ENERO 14, 2020
INDONESIA
Sinalanta ng Matinding Pagbaha ang Jakarta
Noong Disyembre 31, 2019, tinatayang 100 bahay ng mga kapatid ang binaha—mga 1.5 metro ang taas ng tubig sa ilang bahay—nang umulan nang halos 38 sentimetro sa Jakarta, Indonesia.
Kahit walang namatay o nasaktan, maraming kapatid ang pansamantalang lumikas habang ang iba naman ay kinailangang maghanap ng ligtas na lugar sa loob ng bahay nila. Nagkaroon ng kaunting pinsala ang ilang gusali na ginagamit sa mga pagpupulong. Nag-organisa ang mga elder na tagaroon na tumulong at magbigay ng pagkain at tubig. Bumisita rin sa mga nasalanta ang mga tagapangasiwa ng sirkito para magbigay ng pampatibay na mula sa Bibliya. Dalawang Disaster Relief Committee ang binuo para tingnan kung kailangan ng higit pang relief work.
Hindi napahinto ng pagbaha ang espirituwal na gawain ng mga kapatid, kahit na kinailangang dumaan ng ilang pamilya sa baha para makadalo sa pulong sa gitnang sanlinggo. Sinabi ni Brother Daniel Purnomo, miyembro ng Komite ng Sangay sa Indonesia: “Kahit na ito ang pinakamatinding pagbaha na naranasan namin nitong nakaraang mga taon sa Jakarta, hindi nito napahinto ang mga kapatid natin, kundi napakilos pa nga sila nito na tulungan ang isa’t isa at ipakita ang Kristiyanong pag-ibig.”
Nasasabik na tayo sa panahong wala nang sakuna.—Marcos 4:39.