OKTUBRE 2, 2018
INDONESIA
Sinalanta ng Lindol at Tsunami ang Sulawesi, Indonesia
Niyanig ng lindol na may magnitude na 7.5 ang isla ng Sulawesi sa Indonesia noong Biyernes, Setyembre 28. Ang lindol at ang sumunod na tsunami ay pumatay nang mahigit 1,300 katao, na karamihan ay sa lunsod ng Palu sa Central Sulawesi.
Iniulat ng tanggapang pansangay sa Jakarta, Indonesia na nasa mabuti nang kalagayan ang 80 mamamahayag na nakatira sa apektadong lugar. May ilang mamamahayag na nasugatan at kinailangang gamutin sa ospital. Nawasak ang bahay ng isang brother at napinsala ang bahay ng ilang Saksi. Napinsala rin ang gusali na ginagamit ng Palu Congregation para sa kanilang pagtitipon.
Ang Disaster Relief Desk sa tanggapang pansangay ay nakikipagtulungan sa tagapangasiwa ng sirkito at sa kalapít na mga kongregasyon para sa relief effort. Hindi sapat ang pagkain, tubig, at ilan pang pangangailangan ng mga kapatid na nasa apektadong lugar, kaya tatlong kongregasyon ang hinilingan ng sangay na magsuplay ng mga pangangailangang ito sa mga kapatid sa Palu. Ang mga elder doon ay nagbibigay ng espirituwal, emosyonal, at materyal na tulong sa mga kapatid. Bumisita rin ang isang miyembro ng Komite ng Sangay, ang nangangasiwa sa Local Design/Construction Department, at ang tagapangasiwa ng sirkito sa lugar na iyon para patibayin ang mga kapatid.
Ipanalangin natin ang ating mga kapatid sa Indonesia, dahil alam nating si Jehova ang kanilang “kanlungan at kalakasan” sa mahirap na panahong ito.—Awit 46:1.