MAYO 21, 2021
ISRAEL
Labanan sa Israel at Palestinian Territories
Lokasyon
Israel at Palestinian Territories
Sakuna
Noong Mayo 10, 2021, nagkaroon ng labanan sa Israel at sa Palestinian territories, na ikinamatay ng maraming tao
Maraming bahay at negosyo ang napinsala sa mga bayan ng Israel kung saan nakatira ang mga Judio at Arabe
Epekto sa mga kapatid
Walang nasaktan sa mahigit 2,000 nating kapatid sa Israel at sa Palestinian territories
Lumikas ang 73 kapatid, pati na ang 15 nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na nasa labas ng Bethel. May 13 Bethelite na pansamantalang nagsama-sama sa mga apartment na may bomb shelter
Pinsala sa ari-arian
6 na bahay ang bahagyang nasira
Relief work
Inoorganisa ng isang Disaster Relief Committee ang pagtulong, at nakikipagtulungan sila sa mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon para maglaan ng praktikal na tulong
Nakikipagtulungan din ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga elder para maglaan ng espirituwal na pampatibay sa mga kapatid
Maingat na sinusunod ng lahat ng kapatid ang mga safety protocol para sa COVID-19
Dahil ang lahat ng pulong ay isinasagawa sa pamamagitan ng videoconference, nagpapatuloy ang mga pulong ng kongregasyon. Noong Mayo 15, live na napanood ng mga kapatid ang kanilang pansirkitong asamblea gamit ang JW Stream–Studio. Tatlong beses na nagambala ang programa noong hapon dahil sa mga alarma mula sa mga pulis. Kapag naririnig ng mga kapatid ang alarma, nagpupunta sila sa ligtas na lugar, gaya sa hagdan o sa bomb shelter. Sa kabila ng labanan, 804 na kapatid ang nakakonekta sa asamblea sa wikang Hebrew. At 297 kapatid naman ang nakakonekta sa kanilang asamblea sa Tagalog. Sa Mayo 22, limang kongregasyong nagsasalita ng Arabic sa Israel at sa Palestinian territories ang nakaiskedyul na magdaos ng kanilang pansirkitong asamblea.
Ang mga kapatid nating naapektuhan ng mahirap na sitwasyong ito ay patuloy na nagtitiwala kay Jehova, at siya ang kanlungan nila.—Awit 91:1, 2, 5.