Pumunta sa nilalaman

MAYO 31, 2019
ISRAEL

Pinalawak ang Pampublikong Pagpapatotoo sa Israel Dahil sa Libo-libong Turista sa Tel Aviv

Pinalawak ang Pampublikong Pagpapatotoo sa Israel Dahil sa Libo-libong Turista sa Tel Aviv

Mula Mayo 10 hanggang 19, dinagdagan ng mga Saksi ni Jehova sa Israel ang pakikibahagi sa pampublikong pagpapatotoo sa Tel Aviv. Ginawa nila ito dahil maraming turista ang nagpupunta sa malalaking event sa lunsod. Halimbawa, mula Mayo 14 hanggang 18, ginanap sa Tel Aviv ang Eurovision Song Contest na dinaluhan ng mga 10,000 turista.

Sinabi ni Brother Gennadi Korobov, na tumulong sa pag-oorganisa ng gawain: “Nang malaman namin na libo-libo ang bibisita sa Tel Aviv para sa event na ito, naisip namin na magandang pagkakataon ito para higit na makapagpatotoo sa pampublikong paraan. Masaya kami na 168 mamamahayag ang nagboluntaryo mula sa 22 kongregasyon sa buong Israel.”

Naglagay ng cart ng mga literatura sa walong lokasyon mula 9:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi araw-araw. Dahil maraming turista mula sa iba’t ibang bansa, ang mga literatura sa cart ay makukuha sa 10 wika: Arabic, Chinese, English, French, German, Hebrew, Italian, Japanese, Russian, at Spanish.

Nagtitiwala kami na magkakaroon ng magagandang resulta ang pagsisikap na ito sa Israel. Patunay ito na ang bayan ni Jehova ay pumupuri sa kaniya “sa lahat ng panahon.”—Awit 34:1, 2.