MAYO 24, 2023
ITALY
Matinding Pagbaha sa Hilagang Italy
Dahil sa malakas na pag-ulan, binaha ang Emilia-Romagna, isang rehiyon sa hilagang Italy. Simula noong Mayo 15, 2023, mga 50 sentimetro ng ulan ang naranasan doon sa loob ng wala pang dalawang araw. Mahigit 40 munisipalidad ang naapektuhan. May 14 na namatay. Libo-libo ang inilikas.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na nasugatan o namatay
342 kapatid at mga miyembro ng pamilya nila ang inilikas
167 bahay ang binaha, at 72 sa mga ito ang nagkaroon ng malaking pinsala
1 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala
3 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan
Nag-atas ng isang Disaster Relief Committee para mangasiwa sa pagtulong sa relief work
Hinihintay natin ang panahon na wala nang matatakot sa likas na mga sakuna dahil “ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan.”—Apocalipsis 21:3, 4.