Pumunta sa nilalaman

Matinding wildfire sa isla ng Sicily, Italy. Nakasingit na larawan: Malalaking hailstone sa northern Italy

AGOSTO 4, 2023
ITALY

Napakasamang Lagay ng Panahon sa Northern Italy at Isla ng Sicily

Napakasamang Lagay ng Panahon sa Northern Italy at Isla ng Sicily

Simula Hulyo 22 hanggang 26, 2023, dalawang masamang lagay ng panahon ang naranasan sa Italy. Sa northern Italy, umabot sa mahigit 120 kilometro kada oras ang malalakas na hangin. Umulan din ng hailstone, o yelo, na mga 19 na sentimetro ang laki. Kasabay nito, tinupok ng mahigit 330 wildfire ang malaking bahagi ng isla ng Sicily. Umabot sa 47 degree Celsius ang temperatura kaya mabilis na kumalat ang apoy. Maraming gusali ang nasira, at marami ang nawalan ng kuryente. Libo-libo rin ang inilikas, at lima ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

Hailstone at Hangin sa Northern Italy

  • Walang kapatid na namatay

  • 2 kapatid ang nasugatan

  • 36 na bahay ang matinding napinsala

  • 242 bahay ang bahagyang napinsala

  • 1 Kingdom Hall ang matinding napinsala

  • 12 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Wildfire sa Isla ng Sicily

  • Nakakalungkot, isang mag-asawa ang namatay nang tupukin ng apoy ang bahay nila

  • 48 kapatid ang lumikas

  • Walang napinsalang Kingdom Hall o iba pang teokratikong pasilidad

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng mga wildfire sa Sicily at mga hailstorm sa northern Italy

  • 1 Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work sa Sicily

Nalulungkot tayo sa pagkamatay ng mga kapatid sa Sicily, at ipinapanalangin natin ang lahat ng naapektuhan ng mga sakunang ito. Nasasabik na tayong dumating ang panahong aalisin ni Jehova ang lahat ng uri ng pagdurusa.​—Apocalipsis 21:4.