AGOSTO 24, 2017
ITALY
Lindol—Tumama sa Isla sa Italy
Noong Agosto 22, isang lindol na magnitude 4.0 ang yumanig sa isla ng Ischia sa baybayin ng Naples, Italy, na nakapinsala sa maraming gusali. Dahil din sa lindol, nagsilikas ang mga 2,600 katao. Mahigit 40 katao ang nasugatan at 2 ang namatay.
Walang iniulat na namatay o malubhang nasugatan sa 633 Saksi ni Jehova na nakatira sa isla, pero 9 na bahay ng mga pamilyang Saksi ang nasira. Ang mga Saksi roon ay nagbibigay ng tulong at espirituwal na pampatibay mula sa Bibliya para sa kanilang mga kapananampalatayang naapektuhan ng lindol.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Italy: Christian Di Blasio, +39-06-872941