NOBYEMBRE 1, 2016
ITALY
Central Italy Niyanig ng mga Lindol
Noong umaga ng Oktubre 30, 2016, isang magnitude 6.6 na lindol ang yumanig sa central Italy. Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Italy mula noong 1980. Bagaman di-bababa sa 20 katao ang nasaktan, ipinakikita ng inisyal na mga report na walang namatay.
Ang epicenter ng lindol ay malapit sa bayan ng Norcia. Kasunod ito ng dalawang lindol na tumama sa rehiyong iyon ilang araw pa lang ang nakararaan. Noong gabi ng Oktubre 26, 2016, nagkaroon ng magnitude 5.5 na lindol, na sinundan ng isang magnitude 6.1 na lindol pagkaraan ng dalawang oras.
Ang mga pagyanig na ito ay naganap malapit sa pinangyarihan ng lindol noong Agosto 24, na pumatay ng halos 300 katao.
Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Italy na walang Saksing namatay o malubhang nasugatan sa lindol noong Oktubre 26, pero di-bababa sa dalawang pamilyang Saksi ang nawalan ng tirahan, at nasira naman ang bahay ng marami pang Saksi. Nakikipag-ugnayan ang lokal na mga elder sa mga Saksi sa apektadong lugar para malaman ang pangangailangan nila at ang pinakahuling pinsala, lalo na’t marami ang hindi pa nakakabawi sa lindol noong Agosto. Gaya ng ibang biktima, hindi sigurado ng maraming Saksi kung ligtas pa ang kanilang mga tahanan kaya natutulog sila sa kanilang mga kotse at sasakyan o sa lokal na mga Kingdom Hall, ang lugar ng pagsamba ng mga Saksi.
Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, na nasa pandaigdig na punong-tanggapan, ang nag-oorganisa ng pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi. Mahigit 251,000 ang Saksi sa Italy.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, 1-718-560-5000
Italy: Christian Di Blasio, 39-06-872941