ENERO 23, 2017
ITALY
Mapaminsalang Pagguho ng Yelo sa Central Italy
Noong Miyerkules, Enero 18, 2017, dahil sa mapaminsalang pagguho ng yelo sa rehiyon ng Abruzzo sa central Italy, na sinalanta rin ng malakas na lindol noong Agosto, natabunan ang isang resort hotel na may 30 katao sa loob nito. Ang pagguhong ito ay kasunod ng apat na malalakas na lindol, at bawat isa ay naitalang mahigit sa magnitude 5.0, na yumanig sa rehiyong ito sa iisang araw. Nahihirapan ang mga tagasagip dahil sa napalakas na pag-ulan ng niyebe nitong nagdaang linggo, at ilang bayan ang walang kuryente at walang komunikasyon.
Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Italy na, bagaman walang Saksi na namatay o malubhang nasugatan, sinisikap nilang kontakin ang mga pamilyang Saksi sa lugar na pinakaapektado ng lindol at malakas na pag-ulan ng yelo. Ang mga elder na Saksi sa lugar na ito ay naglalaan sa mga pamilyang ito ng pagkain, tubig, panggatong, at iba pang pangangailangan. Sinusubaybayan ng tanggapang pansangay ang sitwasyon at naglalaan ito ng karagdagang tulong kapag kailangan.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Italy: Christian Di Blasio, +39-06-872941