DISYEMBRE 6, 2013
ITALY
Bagyong Cleopatra Nagdulot ng mga Pagbaha sa Sardinia, Italy
Sinalanta ng Bagyong Cleopatra ang isla ng Sardinia sa Mediteraneo noong Nobyembre 18, 2013. Kumitil ito ng di-bababa sa 16 katao at daan-daan ang nawalan ng tirahan. Dahil sa pagbahang dulot ng malakas na pag-ulan, nasira ang mga tulay at inanod ang mga kotse. Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Italy na kasama sa mga biktima ang isang babaeng Saksi na 83 taóng gulang. Apat na pamilyang Saksi ang nawalan ng mga pag-aari nang masira ang kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha. At 11 pamilya ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan. Sa tulong ng lokal na mga awtoridad, mahigit 120 Saksi ang pumunta sa binahang rehiyon para magdala ng pagkain at tumulong sa kanilang mga kapuwa Saksi at iba pang tagaroon sa paglilinis.
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Italy: Stefano Papazian, tel. +39 06 87294260