Pumunta sa nilalaman

Bahay ng isang kapatid na nawasak dahil sa bagyo

NOBYEMBRE 18, 2019
JAPAN

Bagyong Bualoi, Sinalanta ang Japan

Bagyong Bualoi, Sinalanta ang Japan

Noong Oktubre 25 at 26, 2019, sinalanta ng Bagyong Bualoi ang silangang baybayin ng Japan. Ito ang ikatlo sa mga bagyong nanalasa sa silangang Japan mula noong Setyembre, pagkatapos ng bagyong Faxai at Hagibis. Dahil sa Bagyong Bualoi, umapaw ang mga ilog na nagdulot ng matinding pagbaha sa rehiyong iyon. Di-bababa sa 81 bahay ng ating mga kapatid ang napinsala. Ayon sa mga report, walang kapatid na namatay, pero isang sister ang nasugatan. Labis na naapektuhan ang mga kapatid natin sa Chiba Prefecture dahil sa tatlong bagyo.

Bago dumating ang bagyong ito, inoorganisa na ng tatlong Disaster Relief Committee (DRC) ang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Faxai at Hagibis. Ito ring mga DRC ang tumutulong ngayon sa mga naapektuhan ng Bagyong Bualoi. Tinutulungan ng sangay sa Japan ang mga DRC para maibigay ng mga ito ang agarang tulong na kailangan ng ating mga kapatid, gaya ng paglilinis at pagkukumpuni ng mga bahay. Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang ating mga kapatid.

Sa mahirap na panahong ito, ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid sa Japan, at nagtitiwala tayong tutulungan ni Jehova ang mga lingkod niyang “nasisiraan ng loob” dahil sa magkakasunod na mga kalamidad na ito.—Awit 34:18.