Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 23, 2019
JAPAN

Bagyong Hagibis, Sinalanta ang Japan

Bagyong Hagibis, Sinalanta ang Japan

Nanalasa ang Bagyong Hagibis sa Japan mula Oktubre 12 hanggang 13, 2019, na kumitil ng di-bababa sa 77 katao at nagdulot ng pagbaha. Libo-libong bahay ang nawalan ng kuryente o tubig. Patuloy ang paghahanap ng mga opisyal sa Japan sa mga taong nawawala. Sinasabing ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan mula noong 1958, na nagbuhos ng mahigit 35 pulgada ng ulan sa ilang lugar.

Nakontak na ang lahat ng kapatid at walang namatay. Pero 10 ang bahagyang nasugatan. Mahigit 1,200 bahay rin ng mga kapatid ang napinsala. May 23 Kingdom Hall na napinsala; 3 sa mga ito ang hindi muna magagamit dahil sa baha o walang kuryente sa lugar. Bahagyang napinsala ang Assembly Hall sa Tochigi.

May binuong mga Disaster Relief Committee (DRC) sa mga rehiyon ng Fukushima at Nagano. Posibleng magdagdag pa ng mga DRC kapag nalaman na ang mga pinsala sa iba pang lugar. Ang mga kapatid sa mga apektadong lugar ay patuloy na nakakatanggap ng pagkain at tubig. Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga lugar na ito ang ating mga kapatid gamit ang Bibliya.

Nagtitiwala tayong patuloy na ibibigay ni Jehova ang tulong na kailangan ng ating mga kapatid sa mahirap na panahong ito.​—Awit 142:5.