ENERO 4, 2024
JAPAN
Niyanig ng Malakas na Lindol ang Noto Peninsula sa Japan
Noong Enero 1, 2024, niyanig ng lindol na may magnitude na 7.6 ang Noto Peninsula sa sentro ng Ishikawa Prefecture ng Japan. Malaking pinsala ang nagawa ng lindol at ng kasunod na mga aftershock sa mga bahay at kalsada sa lugar na iyon. Mahigit 33,000 katao ang inilikas. Mga 400 ang nasugatan, at 78 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid na namatay
1 brother ang bahagyang nasugatan
Mahigit 150 kapatid ang inilikas
2 bahay ang nawasak
7 bahay ang nasira nang husto
Mahigit 100 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira nang husto
8 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Isang Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng relief work
Nagpadala ang sangay ng Japan ng mga kinatawan para patibayin ang mga kapatid sa mga naapektuhang lugar. Pinapatibay din at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon ang mga biktima
Nagtitiwala tayo na si Jehova ang magiging “ligtas na kanlungan” ng mga kapatid natin sa Japan. Papatibayin niya sila at palalakasin sa mahirap na panahong ito.—Awit 18:2.