Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 10, 2019
JAPAN

Pagbaha sa Japan

Pagbaha sa Japan

Noong Agosto 28, 2019, bumaha sa Kyushu region sa Japan dahil sa napakalakas na pag-ulan. Dahil sa pag-apaw ng mga ilog at posibleng pagkakaroon ng landslide, mahigit 800,000 ang pinalikas. Iniulat ng sangay sa Japan na 82 mamamahayag ang kinailangang umalis sa bahay nila. Ayon sa pinakabagong report, 40 bahay ng mga kapatid ang napinsala at isang Kingdom Hall ang nagkaroon ng maliit na sira.

Ang sangay ay bumuo ng Disaster Relief Committee para tulungan ang naapektuhang mga mamamahayag. Ang mga tagapangasiwa ng sirkito, mga elder, at mga mamamahayag ay nagtutulungan sa pagpapatibay ng mga kapatid natin at sa paglalaan ng iba pa nilang pangangailangan. Nagpapasalamat tayo na maraming kapatid ang pinapakilos ng pag-ibig na tumulong sa mga kapananampalataya nila.​—2 Corinto 8:4.