Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 17, 2019
JAPAN

Sinalanta ng Bagyong Faxai ang Japan

Sinalanta ng Bagyong Faxai ang Japan

Noong Setyembre 9, 2019, nag-landfall ang Bagyong Faxai malapit sa Tokyo, Japan. May lakas ito na umaabot nang 180 kilometro bawat oras, at nawalan ng kuryente ang 580,000 bahay. Di-bababa sa tatlo ang namatay.

Inireport ng sangay sa Japan na walang namatay sa mga kapatid, pero pito ang nasaktan. Sa unang pagtantiya, 895 bahay ng mga kapatid, 28 Kingdom Hall, at isang Assembly Hall sa Chiba ang nasira ng bagyo.

Patuloy pang inaalam ng sangay ang epekto ng Bagyong Faxai sa ating mga kapatid. Ipinapanalangin natin na patuloy na susuportahan ni Jehova, ang Diyos na “nagbibigay ng lakas at tulong para makapagtiis,” ang mga kapatid nating naapektuhan ng sakunang ito.​—Roma 15:5.