Pumunta sa nilalaman

Humahampas ang malalaking alon malapit sa isang kalsada sa southwestern Japan

OKTUBRE 10, 2019
JAPAN

Sinalanta ng Bagyong Tapah ang Southern Japan

Sinalanta ng Bagyong Tapah ang Southern Japan

Mula Setyembre 21 hanggang 23, 2019, sinalanta ng Bagyong Tapah ang southern Japan. Dahil sa malakas na hangin at ulan, nakansela ang mga biyahe ng eroplano at tren at mahigit 30,000 bahay ang nawalan ng kuryente. Mahigit 50 rin ang nasaktan sa Okinawa at Kyushu.

Ayon sa ulat ng tanggapang pansangay sa Japan, limang mamamahayag ang nasaktan, kasama na ang isang sister na dinala sa ospital. Mahigit 50 bahay ng mga kapatid ang napinsala. Tinutugunan na ng Disaster Relief Committee, kasama ng responsableng mga brother, ang pisikal at espirituwal na pangangailangan ng mga naapektuhang kapatid. Patuloy na susubaybayan ng sangay sa Japan ang epekto ng bagyong ito para makapaglaan sila ng kinakailangang tulong.

Ipinapanalangin nating patuloy na umasa kay Jehova ang mga kapatid sa Japan para mapatibay sila sa mahirap na panahong ito.​—Awit 94:19.